Pages

Friday, June 20, 2014

Pagbuo ng Aklan Council for the ASEAN Integration 2015, nasa 3rd at Final Reading na ng SP Aklan

Posted June 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nasa 3rd at Final Reading na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pagbuo ng Aklan Council for the ASEAN Integration (ACAI) 2015.

Sa ginanap na 20th Regular Session ng SP Aklan, muling ipinaliwanag ng akda nito na si SP Member Atty. Plaridel Morania na magiging epekto ng ASEAN Integration ang mas mahusay na produkto, kaunlaran sa industriya, pinaangat na sistema sa edukasyon, at kahusayan.

Aniya, kailangang mabatid ng publiko ang mga proseso ng ASEAN Integration 2015 sapagkat sila ang makikinabang dito sa kalaunan.

Samantala, ayon pa kay Morania, ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng investments promotion arm nito na Board of Investment (BOI) ay patuloy na dumadaos ng forum sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) upang talakayin ang K-to-12 Basic Education Program.

Ito’y isa lamang umano sa layunin ng ASEAN Integration 2015 na bigyang update ang publiko at iba’t ibang stakeholders hinggil sa Industry Development Road Maps.

Nabatid naman na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay magsasanib-puwersa sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment