Pages

Thursday, June 12, 2014

Pagkakaroon ng Technical and Vocational School sa bayan ng Malay inaprobahan na ng SB

Posted June 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Aprubado na ng Sangguniang Bayan ang pagkakaroon ng Technical and Vocational School sa bayan ng Malay.

Ito’y matapos talakayin sa SB Session ng Malay nitong Martes ang resolusyon ng pagkakaroon ng nasabing paaralan sa Malay sa pangunguna ni Vice Mayor Wilbec Gelito.

Nabatid na itatayo ang Training Center sa Balusbos, Malay, Aklan bilang venue ng Malay Technical Vocational School ng nasabing munisipyo.

Nagkaroon din ng resolusyon ang Sangguniang Bayan bilang pagkilala sa Housekeeping NC II and Food Beverage NC II bilang initial courses/program na na maiaalok ng nasabing paaralan.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga kabataan para sa mga gawaing bokasyonal lalo na at kinakailangan ang ganitong kurso sa isla ng Boracay.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang LGU Malay sa ilang mga kinauukulan dito para sa mas mabilis na pagpapatayo ng nasabing Vocational School.

No comments:

Post a Comment