Pages

Thursday, June 12, 2014

Nasa 90% na mga paaralan sa Malay, pasado para maging Evacuation Centers - DILG

Posted June 12, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Pasado ang nasa 90 porsyento ng mga paaralan sa bayan ng Malay para maging Evacuation Centers.

Ito ang sinabi ni Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes kaugnay sa kanilang isinagawang inspection sa mga paaralan at iba pang gusali bilang preparasyon sa pagpasok ng Habagat Season sa bansa.

Ayon kay Delos Reyes, layunin umano nitong matiyak ang kaligtasan ng mga residente sakaling may dumating na malakas na bagyo.

Samantala, sinabi naman ng DILG Malay na patapos na rin ang kanilang isinasagawang mga evaluation sa iba pang mga gusali sa buong bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.

Kasama umano nilang nag-iinspekyon dito ang Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs) at National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nabatid na nagsimula ang nasabing inspeksyon nitong nakaraang linggo.

No comments:

Post a Comment