Pages

Monday, June 23, 2014

Pagguho ng bahagi ng Tambisaan Port, susuriin ng DENR Aklan

Posted June 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Susuriin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan ang gumuhong bahagi ng Tambisaan Port sa Manoc-manoc Boracay.

Ito ang sinabi ni Merlita Ninang ng DENR Aklan Administration Department nang makarating sa kanilang atensyon ang nangyari sa nasabing pantalan.

Tiniyak din ni Ninang na ipapaabot niya sa mga mataas na opisyal ng DENR ang impormasyon upang maaksyunan.

Samantala, nabatid na gumuho ang malaking bahagi ng Tambisaan Port sa Manoc-manoc Boracay nitong Sabado, kung saan sinasabing lumambot ang gumuhong bahagi nito dahil sa epekto ng mga naranasang lindol, lalo pa’t isa umano itong korales.

Hindi naman naapektuhan ng nasabing pagguho ang operasyon ng port doon.

No comments:

Post a Comment