Pages

Tuesday, June 24, 2014

Lifeguard, Philippine Coastguard at Red cross Boracay handa na ngayon San Juan

Posted June 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na ang Lifeguard Boracay, Philippine Coastguard at Red cross Boracay-Malay Chapter para sa pagdiriwang ng San Juan ngayong Araw.

Kabilang sa preparasyon ng Coastguard Caticlan ay ang kanilang isasagawang monitoring ngayon sa lahat ng mga baybayin magmula sa bayan ng Tangalan hanggang sa bayan ng Buruanga sakay ng kanilang motorbanca.

Ayon naman sa Lifeguard Boracay, mag-momonitor din sila sa beach front magmula sa station 1 hanggang sa station 3 para sa inaasahang pagdami ng mga maliligo.

Nabatid naman na makikipagtulungan ang Redcross sa Lifeguard para dito bagamat wala din umano silang masyadong paghahanda kung saan normal lang din itong nangyayari sa isla.

Ngunit sa kabila nito marami rin ang inaasahang maliligong mga residente sa Boracay sa iilang beach sa isla katulad sa Puka Beach at sa area ng Tambisaan na isa rin sa magagandang paliguan.

Bagamat hindi isang Holiday ang Kapistahan ng San Juan nabatid na ilang paaralan sa probinsya ang inaasahang hindi magka-klase dahil sa karamihan sa mga mag-aaral ay hindi papasok sa eskwela para maligo sa dagat.

Samantala, paalala parin ng mga otoridad sa lahat ng mga maliligo sa dagat ang ibayong pag-iingat lalo na ngayon at pabigla-bigla ang pagbabago ng panahon na nagreresulta ng paglakas ng alon at pagtaas nag level ng tubig.

No comments:

Post a Comment