Pages

Thursday, June 26, 2014

Mga kapatid na muslim sa Boracay, naghahanda na sa pagsisimula ng Ramadan

Posted June 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Naghahanda na sa pagsisimula ng Ramadan ang mga kapatid na muslim sa Boracay.

Kasabay din ito ng nalalapit na pagdiriwang ng banal na buwan ng mahigit isang bilyong Muslim sa buong mundo.

Ayon sa mga kapatid na muslim, pinaghahandaan nila ang panahon ng pagbubulay-bulay, pagsamba sa Diyos, pag-aayuno o pagpigil sa sarili at pagpapatibay ng kanilang ispirituwal na buhay.

Kaugnay nito, nilinaw ng karamihan sa mga muslim na nagmamay-ari ng mga souvenir shop sa isla na hindi sila magsasara ng kanilang tindahan sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.

May mga tindera din umano kasi silang magbabantay ng tindahan sakaling aalis sila para magsamba.

Samantala, nabatid na magsisimula sa darating na Sabado June 28 ang Ramadan na magpapatuloy sa loob ng 30 araw.

No comments:

Post a Comment