Pages

Thursday, June 26, 2014

DENR, iginiit ang “zero construction” sa mga forest land areas sa Boracay

Posted June 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

PhotoMuling iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “zero construction” sa mga forest land areas sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na National Launching on Climate Change Advocacy campaign ng ahensya kahapon.

Sinabi ni Merlen Aborka ng DENR Aklan, na mahigpit na nagkakaroon ng panuntunan ang naturang ahensya tungkol dito upang ma-protektahan ang pagkasira ng mga gubat sa Boracay.

Anya, katunayan mahigpit rin umano itong ipinag-uutos ni DENR Secretary Ramon Paje, lalo na’t itinuturing ang isla ng Boracay bilang isa sa mga “precious jewel” ng bansa.

Samantala, ayon pa kay Aborka, maaari ring magpataw ng mga kaukulang charges ang pamahalaan sa mga makikitaang lalabag dito.

1 comment:

  1. This is a good move for the DENR officials. As the country's prime tourist destination, Boracay should always be protected in all their might. Thanks for the news info. If you will be visiting Boracay, I recommend visiting Boracaygo.com, click here.

    ReplyDelete