Pages

Monday, June 02, 2014

International paddle for the Planet Day, matagumpay na idinaos sa Boracay kahapon

Posted June 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Matagumpay na idinaos sa isla ng Boracay kahapon ang International Paddle for the Planet Day.

Nabatid na nasa 23 na mga paddlers ang nakilahok sa nasabing aktibidad, kung saan ilan sa mga nakibahagi dito ang Boracay's Dragonboat Teams, Kayakers, SUP's at iba pang foreign competitors.

Ang International Paddle for the Planet Day ay naglalayong tumulong at magbigay kontribusyon sa iba’t-ibang “environmental advocacy” sa isla.

Layunin din umano nitong pag-isahin ang mga paddlers sa buong mundo para sa isang “Global Relay” upang palawigin ang kamalayan sa kapaligiran at mapangalagaan ang mga karagatan.

Samantala, nagkaroon din ng Beach Clean-Up ang mga nakilahok sa nasabing aktibidad sa mga coastal areas at front beach ng Boracay.

Ang International Paddle Planet Day ginanap nitong June 1, 2014 alas dyes ng umaga.

No comments:

Post a Comment