Pages

Monday, June 02, 2014

Annual General Assembly ng AKELCO idaraos ngayong Sabado

Posted June 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Idaraos ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang Annual General Assembly ngayong araw ng Sabado Hunyo-7 sa ABL Sports Complex.

Ito’y matapos ang kahilingan ng mga members at consumers na gusto nilang marinig mula sa nalalapit nang magretirong si General Manager Chito Peralta kung paano niya napa-mamalakad ang power firm nitong mga nakalipas na taon.

Nabatid na si Peralta ay nasasangkot sa mga kontrobersiya dahil sa umano’y mismanagement ng power cooperative kung saan itinatanggi naman niya ito.

Inaasahan rin ng AKELCO ang libu-libong miyembro at konsumidor mula sa 17 bayan sa Aklan kabilang na ang bayan mula sa Northern Antique na sini-seniserbisyuhan din ng kooperatiba na dadalo sa nasabing General Assembly.

No comments:

Post a Comment