Pages

Thursday, June 05, 2014

Dagsang basura sa beach front dulot ng malakas na alon, puspusang nililinis ng BWSAT

Posted June 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Puspusan ang ginagawang paglilinis ng Boracay Solid Waste Action Team (BSWAT) sa mga nagkalat na basura sa dalampasigan ng Boracay.

Ito’y matapos ilang araw na ring nararanasan ang malakas na alon sa karagatan kasabay ng pagdagsa ng basura sa naturang beach front.

Karamihan sa mga ito ay ang mga sanga ng punong kahoy, bunga ng niyog at ilang plastic na basura na galing pa sa mainland at tinangay ng alon papuntang Boracay.

Nabatid na ito na ang simula ng araw-araw na paglilinis ng BWSAT dahil sa pagpasok ng Habagat kung saan malakas ang hanging humahampas sa dalampasigan kasabay ng mga naanod na basurang dagat.

Sa kabilang banda hindi naman inalintana ng mga turista ang nasabing basura dahil para sa kanila ito ay normal lang dala ng pagbabago ng panahon.

Maliban dito, unti-unti na ring naghahanda ang mga establisyemento sa beach front ng kanilang pananggalang sa malakas na hangin dulot ng Habagat.

Samantala, inaasahan pang lalakas ang hangin ngayong ikalawang linggo ng Hunyo kasabay ng pagdami ng basura at halamang dagat sa beach front ng Boracay hanggang sa pagtatapos ng Habagat Season sa buwang ng Setyembre.

No comments:

Post a Comment