Pages

Tuesday, May 27, 2014

SP Aklan, nagpaalala sa LGU’s ng mga alituntunin sa pagpapalit ng pangalan ng mga lugar

Posted May 27, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpaalala ngayon ang Sangguniang panlalawigan (SP) Aklan sa mga LGU’s hinggil sa Statutory Precepts o pagbibigay at pagpapalit ng pangalan ng mga pambulikong lugar.

Sa pahayag ng SP Aklan, muling ipinababatid sa mga lokal na pamahalaan na obserbahan at mag-comply sa probisyon ng Local Government Code lalo na sa Rule IV, Articles 22 and 23 ng Republic Act 7160.

Nag-ugat ang nasabing pahayag matapos na ibasura ng konseho sa kanilang 15th Regular Session ang ordinansa sa bayan ng Lezo, Aklan na naglalayong palitan ang pangalan ng isang kalsada doon na Mabini St. sa Dr. Arellano Cahilig Street.

Ayon sa SP Aklan, ang pagbibigay at pagpapalit ng pangalan ng isang pampublikong lugar ay dapat may kaukulang boto at pinahintulutan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na nakasaad naman sa Article 23 of the Local Government Code IRR at Article 22 ng Rule no. IV.

Samantala, ipinaliwanag naman ng NHCP na kaya hindi sang-ayon ang mga ito na palitan ang pangalan ng nasabing lugar ay dahil isa si Apolinario Mabini sa mga kinikilalang pambansang bayani ng bansa.

Inihayag ng NHCP na ang pangalang Mabini ay nagtamo ng antas sa kultural at makasaysayang kaugnayan, kaya hindi ito dapat palitan.

Ayon pa sa NHCP kung may mga lugar o kalsada na wala pang pangalan ay mas maigi umanong i-konsulta muna ito sa kanila bago magpasa ng isang ordinansa.

No comments:

Post a Comment