Pages

Tuesday, May 27, 2014

BRTF, ikinatuwa ang pagtanggap ng mga stakeholders sa bagong disenyo ng Sea Wall sa Boracay

Posted May 27, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) ang pagtugon ng mga stake holders sa bagong disensyo ng Sea Wall sa Boracay.

Sa ginanap na pagpupulong sa Boracay Action Center kahapon ng umaga, ipinasalamat ng BRTF at maging ng iba pang kawani ng LGU Malay ang pagsuporta ng mga stakeholder tungkol dito.

Ang bagong disenyo na iprenesenta ni Engr. Elizer Casidsid ng Municipal Engineering Office ay naglalayong gawing yari sa kawayan ang mga seawall sa beach front.

Ito’y dahil sa babasagin umano nito ang alon na hahampas sa dalampasigan upang maiwasang tangayin ang puting buhangin papunta sa dagat.

Samantala, ang akmang desinyo ng seawall sa Boracay ay para sa proteksyon ng mga establisyemento sa beach front, at nakikitang isa sa mga solusyon para maiwasan ang sand erosion dito.

Matatandaan sa naunang mga ulat na nagkaroon ng problema sa baybayin ng Boracay kung saan lumitaw ang mga tubo ng tubig, sewer at kuryente kasabay ng naranasang beach erosion.

Gayunpaman, masaya umano ang task force na humihingi sa kanila ng tulong ang mga nasabing establishment owner.

No comments:

Post a Comment