Pages

Thursday, May 29, 2014

Philippine Coastguard nakahanda na sa Habagat Season

Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan sa pagpasok ng Habagat season ngayong darating na buwan ng Hunyo.

Ayon kay Philippine Coast Guard Station Commandant Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno, nakikipag-coordinate na sila sa ibang kinauukulan tungkol sa paglilipat ng biyahe sa Tabon at Tambisaan Port ngayong habagat season.

Sinabi din nito na pabor siya sakaling mayroong ordinansa o resolusyong ipapatupad na hindi na kailangang ilipat ang biyahe sa Caticlan Jetty port mula sa Tabon port sa panahon ng habagat.

Samantala, sakali umanong magkaroon ng ganitong ordinansa ay welcome ito sa kanila para sa kapakanan ng mga pasahero na pumupunta sa isla ng Boracay.

Inaasahan ding makikipagpulong ang PCG sa Jetty Port Administration, maging sa mga boat at owners operators para sa southwest monsoon.

Sa ngayon patuloy na rin ang paghahanda at pag-momonitor ng Coastguard sa lagay ng panahon na makakaapekto sa maliliit na sasakyang pandagat.

No comments:

Post a Comment