Pages

Thursday, May 29, 2014

Lasing na babae sa Boracay, ikinustodiya matapos na insultuhin ang mga rumispondeng pulis

Posted May 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pansamantalang ikinustodiya sa Boracay PNP Station ang isang lasing na babae.

Ito’y matapos na insultuhin di umano nito ang mga rumesponding pulis sa isang komosyon na nangyari sa isang bar sa Station 2 Balabag Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, alas kwatro kanina ng madaling araw nang dalhin sa Boracay PNP Station si Mary Joy Tenedero, 22 anyos ng Olonggapo City at nagtatrabaho bilang waitress sa Boracay.

Ayon sa mga pulis, rumisponde sila sa nasabing lugar dahil sa ulat na natanggap na mayroong komosyon na nangyayari doon na kinasasangkutan naman ng parehong turista.

Subalit, nagulat umano ang mga ito na ang sinasabing lasing na babae ay nagsisigaw at nagpakawala ng mga hindi magagandang salita sa mga pulis at nagsasabing  “PERA LANG ANG KATAPAT NG MGA PULIS.”

Dahil dito, inaresto ang babae subalit tumanggi rin itong sumama, dahilan upang maharap rin sya sa kasong oral defamation at resistance and disobedience upon an agent of person in authority.

No comments:

Post a Comment