Pages

Monday, May 05, 2014

Pagmamahal sa kalikasan, ipinaalala ng HRP Boracay sa mga turista

Posted May 5, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ipinaalala ng Holy Rosary Parish (HRP) Boracay sa mga turista ang pagmamahal sa kalikasan.

Nagkalat kasi sa beach front partikular sa station 1 at station 2 nitong long weekend ang mga basura dulot ng mga turistang naging pasaway sa mga ordinansang ipinapatupad sa isla.

Si Rev.Fr.Edwin Chi Yu, isa sa tatlong paring namamahala ng HRP Boracay, isiningit nito sa kanyang sermon kahapon ang pagmamahal sa Boracay at ang mga ordinansa dito, kasabay ng pagpapaabot ng pagkadismaya sa mga turistang naninigarilyo at nagkakalat ng bote ng alak sa dalampasigan.


Samantala, sinabi din ni Father Edwin na naging kaparte na ng Boracay ang mga turistang pumupunta dito, na dapat makibahagi upang mapangalagaan ang isla.

Nabatid na may mga volunteers namang nagtulong-tulong sa paglinis ng mga basura dalampasigan dulot ng mga events nitong long weekend malaiban pa sa mga taga Boracay Solid Waste Action Team.

No comments:

Post a Comment