Pages

Wednesday, May 21, 2014

Mga residente ng Sitio. Tabon sa Caticlan, uhaw parin sa pag-asa na maibabalik ang suplay ng tubig sa kanilang lugar

Posted May 21, 2014
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Uhaw parin sa pag-asa ang mga residente ng Sitio Tabon ng Brgy. Caticlan na muling maibabalik ang suplay ng tubig sa kanilang lugar.

Ito’y matapos na wala paring tumutulong tubig sa kanilang mga gripo ilang buwan na ang nakakalipas.

Sa Session ng Malay kahapon, sinabi ni SB Member Leal Gelito sa kaniyang privileged speech na humihingi umano ng update ang mga residente ng nasabing lugar tungkol sa kanilang problema.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng LGU Malay sa Boracay Island Water Company (BIWC) na siyang inaasahan para mabigyan ng suplay ng tubig ang mga residente sa Sitio. Tabon.

Matatandaang, sumugod ang mga residente ng nasabing lugar sa SB Malay para humingi ng tulong dahil sa kanilang nararanasang problema sa tubig.

Napag-alaman na ilang buwan ng walang tubig ang mga taga Tabon na dati ay nagmumula at nag-kokonekta sa Malay Water District dahil sa ilang problema sa linya nito.

Sa ngayon, patuloy parin ang nararanasang hirap ng mga mamamayan ng Tabon kung saan kinakilangan pa nilang mag-igib ng tubig sa katabing lugar at bumili ng maiinon na dagdag sa kanilang gastusin at gawain sa pang araw-araw.

No comments:

Post a Comment