Pages

Wednesday, May 21, 2014

Lalaking Danish national, nanuntok ng pulis at nanakit ng pinay sa Boracay

Posted May 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nahaharap ngayon sa kasong Physical Injury at Direct Assault Upon An Agent Of Person In Authority ang isang lalaking Danish national.

Ito’y matapos syang manuntok ng pulis at manakit ng isang pinay sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, mag-aala-una kanina ng madaling araw nang maganap ang isang komosyon sa harap ng isang resort sa Balabag Boracay.

Ininsulto di umano kasi ng lalaking Danish national na si Nikolai Pindstrup, 20 anyos ang pinay na nakilala naman sa blotter report na si Jennifer Quieta, 22 anyos ng ParaƱaque City.

Matapos ang pang-iinsulto, umalis umano ang turista subalit makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito at sinampal ang pinay.

Upang makaiwas na lalo pang magkagulo, tumakbo di umano ang nasabing pinay subalit nadapa ito at naabutan ng suspek saka sinakal.

Isa namang pulis ang nakakita sa pangyayari habang nagpapatrolya sa lugar kung saan kaagad nitong nilapitan ang suspek at biktima subalit, sa hindi malamang dahilan at probokasyon ay bigla rin itong sinuntok ng turista.

Dahil dito, inaresto ang suspek ikinustodiya ngayon sa Boracay PNP Station at napag-alaman ring nasa ilalim ito ng nakalalasing na inumin.

No comments:

Post a Comment