Pages

Tuesday, May 06, 2014

COMELEC registration para sa 2016 elections, simula na bukas

Posted May 5, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magsisimula na bukas ang Commission on Election (COMELEC) registration para sa 2016 elections

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, makakapagrehistro na ang mga botante sa pamamagitan ng biometrics system mula Mayo 6 ngayong taon hanggang sa ika-31 ng Oktubre sa 2015.

Ang biometrics system umano ang gagamitin para sa fingerprints at larawan ng mga botante at magiging botante bago bigyan ng voter’s ID.

Samantala, maituturing naman umano na deactivated ang status ng isang botante kung hindi nito nagawang bumoto ng kahit isang beses sa dalawang eleksyon noong Mayo at Oktubre 2013 kung kaya’t kailangan nilang magpa-activate ng registration at magpa-fill-up ng affidavit kung may biometrics na at magpapa-biometrics naman kung wala pa.

Para sa mga transferees, ipinaliwanag rin ni Cahilig na ang dapat lang gawin ay magtungo sa kanilang election office o lilipatang presinto at magparehistro sa Voter’s Registration Machine (VRM) para makakuha ng biometrics at bahala na ang komisyon na magkansela ng lumang record.

Idinagdag pa ni Cahilig na bukas ang kanilang opisina sa mga nais magparehistro tuwing office hours mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kailangan lamang magdala ng valid ID, partikular ng government ID at Live Birth para sa pagpaparehistro.

No comments:

Post a Comment