Pages

Sunday, April 13, 2014

Pick pocketing, inaasahan ng Malay PNP ngayong Semana Santa

Posted April 12, 2014 as of 6:00pm
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil sa Semana Santa, mauuso na naman umano ngayon ang Pick Pocketing sa Boracay. 

Ito ang naging pananaw ni SPO1 Ben Estuya ng Malay PNP kaugnay sa pagdagsa ng maraming turista sa isla maging sa mga pantalan ngayong Holy Week Season.

Aniya, ibayong pag-iingat ang dapat gawin ng lahat ng mga turistang magbabakasyon ngayon dahil sa paglaganap ng mga mandurokot.

Sa kabila nito naka alerto na rin ang lahat ng mga kapulisan sa Boracay PNP para sa kanilang 24/7 na pagpapaigting ng seguridad.

Samantala, inaasahan na rin ni Estuya ang pagtaas ng mga petty crimes na mangyayari sa Boracay ngayong summer season.

Paulit-ulit namang nagpapaalala ang mga otoridad sa lahat ng mga magbabakasyon sa Boracay na maging alerto at mapagmatyag sa kanilang mga katabi sa lahat ng oras.

No comments:

Post a Comment