Pages

Saturday, April 12, 2014

Beach Garbage Bins sa Boracay, tinitingnan pa kung dadagdagan ng LGU Malay

Posted April 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Para mapanatili ang kalinisan sa front beach ng Boracay.

Tinitingnan na rin sa ngayon ng local ng pamahalaan ng Malay kung dadagdagan ang mga beach garbage bins sa isla.

Ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño.

Makikipag-ugnayan pa sila sa Material Recovery Facilities (MRF) kung may mga garbage bins pa doon na maaaring maidagdag sa mga nailagay nang basurahan sa front beach ng isla.

Aminado rin kasi si Sacapaño na may mga residente at turista parin talagang pasaway na kung saan-saan lang itinatapon ang kanilang basura.

Samantala, kaugnay rito, nanawagan din si Sacapaño ng suporta mula sa mga establisyemento para sa kalinisan ng isla ngayon Semana Santa.

Paalala din nito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakalat ng basura sa front beach at kung sino man ang mahuhuli rito ay maaaring pagmultahin o bigyan ng penalidad.

Paliwanag pa ni Sacapaño na ang ginagawang paghihigpit ng local na pamalaan ay hindi lamang para sa mga mamamayan kundi para narin sa mga turista at sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment