Pages

Wednesday, April 23, 2014

Permit ng mga tour guide sa Boracay, gustong paimbestigahan ni SB Bautista

Posted April 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Gustong paimbestigahan sa konseho ni Malay SB Member Frolibar Bautista ang permit ng mga tour guide sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na mahulihan ng ilegal na droga ang dalawang tour guide na babaeng Taiwanese sa Boracay nitong nakaraang buwan ng Marso.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Chi Ping Chou alyas “Sophia” 44-anyos at si Chia Huei Ma alyas “Chia-Chia” 27-anyos na parehong nagtratrabaho bilang mga tour guide sa isla.

Ikinadismaya naman ni Bautista ang nasabing gawaing ito kung saan nasasangkot ang mga tour guide sa ilegal na aktibidad.

Aniya, nais niyang e-review ang Ordinance ng mga foreign tour guides na ini-issue ng Department of Labor and Employment (DOLE) at hindi ng LGU Malay para matukoy kung ang mga ito ay walang kinakasangkutang ibang ilegal na gawain.

Nais umano nito na ma-proteksyonan ang reputasyon ng Ordinansa ng LGU Malay sa pamamagitan ng pagbibigay ng permit sa mga ito para sa kapakanan ng isla ng Boracay maging ng mga turista.

Samantala, nabatid naman na mayroon paring mga ilegal na tour guide sa Boracay na walang kaukulang permit mula sa Office of the Mayor na nagsasagawa ng kanilang aktibidad.

No comments:

Post a Comment