Pages

Wednesday, April 23, 2014

Caticlan Jetty Port, todo bantay pa rin kahit tapos na ang Semana Santa

Posted April 22, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mapayapa na ngayon ang area ng Caticlan Jetty Port.

Ganito inilarawan ni Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port ang pantalan matapos ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista nitong Holy Week.

Ibig sabihin, hindi na ganon kasikip ang pantalan kung ikukumpara nitong nakaraang Semana Santa.

Bagamat mapayapa na, sinabi naman nito na tuloy parin ang kanilang pagbabantay kung saan nakahanda parin ang lahat ng mga pasilidad ng port kabilang na ang mga security assistance desk at guest inquiry.

Samantala, sinabi din ni Pontero na wala namang mga naitalang aberya nitong mga nakaraang araw sa x-ray machine.

Naitala rin ang nasa mahigit 60 thousand na mga tourist arrival sa nasabing port sa kakatapos lamang na Holy Week.

Sa kabilang banda, patuloy rin umano ang seguridad na ipinapatupad ng mga kapulisan at coastguard sa nasabing pantalan upang bantayan ang pagdagsa ng mga turistang papasok at paalis ng Boracay.

Pinaalalahanan din ni Pontero ang lahat ng mga pasahero na makipagtulungan sa kanila at sundin ang mga ipinapatupad na paalala ng Jetty Port at ang ibayong pag-iingat.

No comments:

Post a Comment