Pages

Wednesday, April 16, 2014

Ordinansa kaugnay sa “no parties at loud music” sa Boracay ngayong Semana Santa inilabas na ng LGU Malay

Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inilabas na ng Mayor’s office nang Malay ang ordinansa kaugnay sa pagbabawal ng “parties at loud music” sa Boracay ngayong Semana Santa.

Ito’y base sa nakasaad na Executive Order No. 010 series of 2014 kung saan nagdedeklara ng non-issuance of permit para sa pagkakaroon ng anumang okasyon o aktibidad sa Boracay ngayong Biyernes Santo, sang-ayon sa SB resolution No, 015, Series of 2009.

Ang bise-alkalde ng Malay na si Welbec Gelito at ngayo’y acting mayor ang siyang pormal na nag-uutos sa lahat ng Municipal Departments na ipagbawal ang pagbibigay ng anumang permit sa mga establishment owners para sa anumang okasyon sa nasabing araw.

Ang nasabing ordinansa ay epektibong ipapatupad simula alas-6 ng umaga ngayong Biyernes Santo hanggang alas-6 din ng umaga ng Sabado de Gloria.

Dahil dito mag-momonitor naman ang Malay Auxiliary Police (MAP) sa pakikipagtulungan ng lahat ng law enforcement agencies sa isla ng Boracay para bigyan ng aksyon kung sino man ang hindi tumupad sa nasabing ordinansa.

Samantala, nakasaad rin sa Section 3 ng Municipal Ordinance No. 276, Series of 2009 ang kaukulang penalidad kaugnay sa nasabing kautusan.

No comments:

Post a Comment