Pages

Wednesday, April 16, 2014

BFP Boracay, umapela sa publiko na magdoble ingat ngayong Semana Santa

Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umapela ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa publiko na doblehin ang pag-iingat ngayong Semana Santa.

Ayon kay BFP Boracay Inspector Joseph Cadag, kinakailangan umanong siguraduhin ng publiko ang fire safety bago nila lisanin ang kanilang bahay para sa kanilang bakasyon ngayong Semana Santa.

Giit pa ni Cadag na bago umalis ng bahay ay tingnan munang mabuti kung naka-unplug ang lahat ng kanilang electronic devices at appliances.

Dagdag pa nito, marami din umano ang gagamit ng mga kandila sa Semana Santa kung kaya’t tingnan umanong mabuti kung nailagay ito sa tamang lugar na hindi madaling maabot ng bata.

Isa rin sa higit na paalala ng BFP Boracay ang kailangang pagsara ng mabuting valve ng LPG na siya minsang nagiging sanhi ng sunog sa tuwing hindi tama ang pagkakasara nito.

Sa kabilang banda hindi lamang umano dapat sa sunog maging preparado ang publiko sa tuwing aalis ng bahay, kundi sa mga magnanakaw lalo na kapag walang tao sa mga kabahayan.

Sa ngayon todo-alerto na rin ang Bureau of Fire Protection Unit sa seguridad sa isla ng Boracay para sa paggunita ng Semana Santa.

No comments:

Post a Comment