Pages

Tuesday, April 08, 2014

NGCP, pinaghandaan na umano ang pagdating ng bagyong Domeng sa Pilipinas

Posted April 7, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinaghandaan na umano ng National Grid Corporation (NGCP) ang pagpasok ng bagyong “Domeng” sa Philippine Area of Responsibility.

Ito ang sinabi ni NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza sa ginanap na Power Briefing sa isla ng Boracay kaninang umaga.

Aniya, kabilang sa nasabing paghahanda ang pagsiguro ng mga communications equipment at pag-check ng mga gagamitin para sa agarang pagsasaayos ng mga pasilidad na maaaring masira ng bagyo gayundin ang pag-monitor ng mga line patrol.

Samantala, nakahanda din umano ang NGCP’s Integrated Disaster Action Plan (IDAP) para masiguro ang kahandaan ng lahat ng mga power transmission facilities na inaasahang maapektuhan ng weather disturbance.

Nabatid naman sa weather bulletin ng PAGASA na ang bagyong “Domeng”ay pumapalo pa rin sa 65 kilometro kada oras (kph) ang lakas ng hangin at may pagbugsong umaabot pa sa 80 kph at huling namataan sa layong 770 kilometro silangan ng Davao City.

No comments:

Post a Comment