Pages

Thursday, April 24, 2014

DOT Boracay, pinayuhan ang mga bakasyunista sa isla na huwag mabahala sa MERS virus

Posted April 24, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dahil sa patuloy ang pagdagsa ng mga bumibisita sa isla ng Boracay.

Nababahala na rin ang ilang mga residente sa mga pahayag at tsismis tungkol sa outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).

Gayunpaman, pinayuhan ni Department of Tourism (DOT) Boracay Officer-In-Charge Tim Ticar ang mga bakasyunista gayundin ang mga residente na huwag mabahala sa nasabing MERS virus.

Anya, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) walang dapat ikabahala dahil sa negatibo at walang naitatalang ganitong kaso sa Pilipinas.

Samantala, hinihikayat rin ni Ticar ang mga mamamayan sa Boracay na magsagawa ng ilang precautionary measures para sa kanilang sariling proteksyon.

Nabatid na ang MERS-CoV ay unang iniulat sa Saudi Arabia noong 2012.

Ilan sa mga sintomas nito ang lagnat, ubo, kakapusan ng hininga at pagtatae.

No comments:

Post a Comment