Pages

Thursday, March 27, 2014

Magarbong graduation, mahigpit na tinututulan ng DepEd Aklan

Posted March 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.google.com
Mahigpit ang pagtutol ng Department of Education (DepEd) Aklan sa pagkakaroon ng magarbong graduation rites sa pampublikong paaralan.

Ayon sa Division Office ng DepEd Aklan, mahalaga parin umano ang pagkakaroon ng simpleng graduation ang mga estudyante.

Nararamdaman umano ng DepEd kung gaano kahirap sa mga magulang ng mga mag-aaral ang maghanap ng panggastos na sadyang napakasakit sa bulsa.

Isa pa sa hindi makakalimutan ng DepEd ay ang nagdaang matinding kalamidad sa probinsya na kahit apat na buwan na ang nakakalipas ay marami parin ang hindi nakakabangon sa buhay.

Nilinaw pa ng pamunuan ng DepEd na bawal ang pangungulekta ng kahit ano ang principal maging ang guro para sa pagkakaroon ng magarbong graduation.

Sa kabilang banda kahit may pagtutuol din umano ang kanilang kagawaran ay depende rin ito sa pagkakasunduan ng mga magulang ng mga estudyante kung nais nilang gumastos sa paggamit ng toga sa araw ng graduation bastat hindi manggaling ang utos sa mga guro.

No comments:

Post a Comment