Pages

Thursday, March 27, 2014

Kita ng mga souvenir shops sa Boracay, matumal pa kahit simula na ang summer season

Posted March 27, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Photo credit by antondsantiago.com
Matumal pa ang kita ng mga souvenir shops sa Boracay kahit simula na ang summer season.

Ayon sa ilang may-ari ng souvenir shops, mahina pa ang kanilang income sa kabila ng unti-unti nang pagdatingan ng mga turista sa isla.

Si Aling Liza ng isang souvenir shop sa station 1 Balabag, nakangiti paring ikinuwento na hindi manlang tumaas ang kanilang kita nitong nakaraang tatlong araw.

Aminado rin kasi ito na sa mga foreign tourist lamang halos sila nakakabawi sa kanilang mga ibinibentang souvenirs.
Photo credit kayelangit-luistro.blogspot.com

Yun nga lang aniya, katakot-takot na tawaran sa presyo ang kanilang nararanasan mula sa mga grupo ng mga turista na hindi ganon ka-galanti kung ikukumpara sa iba.

Magkaganon paman, sinabi nito na masaya siya dahil maraming mga turista ang nagbabakasyon sa Boracay kapag summer at kuwaresma.

Nabatid na kadalasang patok sa mga turista dito ang iba’t-ibang souvenir katulad ng mga accessories, Boracay bags at Boracay T-Shirts.

No comments:

Post a Comment