Pages

Thursday, January 16, 2014

Malay Sanitation office, hihigpitan ang pagbibigay ng sanitation permit

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaaring maghigpit ang sanitation office ng pabibigay ng sanitation permits sa mga meat at fish vendors sa bayan ng Malay.

Itoy matapos ang naging problema sa sanitation ng Malay public market sa baranggay Caticlan kung saan nakatanggap ng reklamo ang LGU Malay mula sa mga mamimili dahil sa sira-sirang tindahan at hindi kalinisang lugar.

Ayon kay Malay Sanitation Inspector Ma. Lyn Fernandez, hindi sila nag-iisue ng permit sa mga vendors kapag ito’y hindi makakapasa sa mga requirements nila kabilang na ang kalinisan ng lugar na pinagbibintahan ng mga vendors.

Patuloy rin umano ang kanilang ginagawang monitoring pati na sa mga kabaranggayan sa Malay na nagbibinta ng mga panindang isda at meat products.

Mahigpit din nilang ipinagbabawal ang pagbibinta sa mga lugar na kung saan ay malapit sa mga maduming paligid at sa mga lugar na maraming hayop.

Nabatid na maraming mga vendors ang hindi nabigyan ng sanitation permit mula sa LGU Malay pero patuloy parin ang pagbibinta sa mga palenge.

No comments:

Post a Comment