Pages

Thursday, January 16, 2014

KASAFI, inaasahang dadagsain ng maraming tao ang Higante parade ngayong araw

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

"Disney Themed"
Higante Parade
Ati-Atihan Festival 2014
Inaasahan ng Kalibo Santo Niño Festival Incorporated o KASAFI ang pagdagsa ng libo-libong katao sa gaganaping “Higante Parade” mamayang hapon sa Kalibo.

Ito’y bahagi parin ng weeklong celebration ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival na nagsimula niitong Biyernes at magtatapos sa darating araw na Linggo.

Tampok sa nasabing higante parade ang “Disney themed” na napapanood sa telebisyon, kung saan pambato ng bayan ng Balete ang Pocahontas, Minie-mouse ng Kalibo, Rapunzel animated feature film ng bayan ng Banga, Princess Snow White ng Libacao, Cinderella ng Madalag at Daisy Duck, the girlfriend of Donald Duck ng bayan ng Nabas at Belle of the Beauty and the Beast ng Numancia.

Kabilang pa dito ang ibang Disney characters na sina Red Riding Hood ng Altavas, ang fun-loving magical pixie Tinker Bell ng Ibajay, Princess Merida ng Malinao at Ariel the Little Mermaid ng Tangalan.

Ang parada ay magsisimula mamayang ala-1 ng hapon kabilang ang lahat ng government employees sa probinsya ng Aklan.

Ayon sa KASAFI paglalabanan ng mga munisipalidad ang premyong P40,000 para sa grand champion, second place na P35,000 at ang third place na P30,000 mula sa provincial government ng Aklan.

No comments:

Post a Comment