Pages

Tuesday, January 21, 2014

Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival, “Generally Peaceful”

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Generally Peaceful”

Ganito inilarawan ni Chief Superintendent Josephus Angan ng Police Regional Office (PRO) ang pagdiriwang ng Kalibo, Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Aklan.

Aniya, ito ay marahil sa mahigit 900 na mga PNP personnel, Philippine Army at mga Civilian Volunteers ang ipinakalat sa iba’t-ibang mga lugar sa bayan ng Kalibo.

Dahil sa mahigpit umanong pagbabantay at pakikipagtulungan rin ng mga residente kaya’t walang naitalang mga malalaking krimen o pangyayari sa kasagsagan ng selebrasyon.

Samantala, masaya naman ang mga nanalong kalahok sa Ati-Atihan Festival Contest kung saan nasa 25 na mga tribu ang kasali.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

TRIBAL BIG CATEGORY

1st Place:              Black Beauty Boys
 2nd Place:            Tribung Kabog  
3rd Place:             Vikings

TRIBAL SMALL CATEGORY

1st Place:              Alibangbang
2nd Place:             Responde
3rd Place:             Tribu Niñolitos

MODERN GROUP CATEGORY

1st Place:              Scorpio 11-19
2nd Place:             Aeang-Aeang
3rd Place:             Emperor

BALIK-ATI CATEGORY

1st Place:            Tribu Ilayanhon
2nd Place:           Lilo-anong Ati ag Tatlong Datu
 3rd Place:          Malipayong Ati

No comments:

Post a Comment