Pages

Tuesday, January 21, 2014

Kalibo Ati-Atihan 2014, naging record-breaking dahil sa sobrang dami ng tao ang nakisaya

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

www.facebook.com
Naging record-breaking ang Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival ngayong taon dahil sa sobrang dami ng tao ang nakidalo at nakisaya.

Halos hindi mahulugan ng karayom ang pastrana park kahapon dahil sa mga taong nanunuod ng parada at sumasali sa Street dancing.

Isa naman sa tinitingnang rason ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival Inc. o KASAFI ay ang magandang panahon kahapon.

www.kalibo Ati-Atihan.ph
Samantala, hindi lamang ang mga local tourist ang nakiisa sa selebrasyon kundi maging ang mga foreign tourist na tuwang-tuwa dahil sa makulay at masayang selebrasyon.

Sa kabilang banda, halos umabot ng apat na oras ang ginanap na religious procession dance sa kahabaan ng pastra park patungong Mabini Street at Roxas Ave. bago nakabalik ng St. John the Baptist Cathedral.

Mahigit sa 1,000 personnel, Philippine Army at civilian volunteers ang nagbantay ng siguridad kung kayat wala namang naitalang malaking insidente ang PNP na itinuturing din nilang generally peaceful ang kabuuang selebrasyon.

Masaya naman ang KASAFI, dahil sa matagumpay na pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival 2014 na nagsimula nitong Enero-10 at nagtapos kahapon Enero-19.

No comments:

Post a Comment