Pages

Monday, October 14, 2013

Sunog sa baranggay Balabag kahapon, patuloy paring iniimbistigahan ng fire protection office

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

PhotoPatuloy parin ngayong iniimbistigahan ng Boracay Island Fire Protection Unit ang nangyaring sunog kahapon sa baranggay Balabag sa isla ng Boracay.

Ayon sa mga taga fire protection unit agad nilang nirespondihan ang nasabing sunog pagkatapos ng may tumawag na isang concern citizen mula sa Balabag action center.

Anila isang bodega ng karton ng sigarilyo at bricks ang kanilang naabutang umaapoy bandang ala ona ng hapon.

PhotoAgad namang inapula ng mga bombero ang nasusunog na bodega sa tulong ng Boracay Island Water Company (BIWC) at tatlong sasakyan ng mga bombero na puno ng tubig.

Basi naman sa mga salaysay ng ilang residinte sa nasabing lugar na ilan anilang mga kabataan ang kanilang nakita na naglalaro doon bago nangyari ang insidente.

Dagdag pa ng mga taga BISFPU wala namang nadamay na mga kalapit na kabahayan at nasaktan sa nasabing sunog.

Samantala, patuloy parin ngayon ang ginagawang imbistigasyon ng mga taga Boracay Fire station kung ilan ang naging pinsala sa sunog at kung saan ito nagmula.

No comments:

Post a Comment