Pages

Monday, October 14, 2013

Ibat-ibang Tourism agencies sa Aklan, sinanay sa marketing strategy

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagkaroon ng Training on tour package development and services delivery ang ibat-ibang tourism agencies sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay DOT Boracay officer in-charge Tim Ticar, dalawang araw ang kanilang ginawang training sa bayan ng Kalibo simula noong a-nueve hanggang a-onse nitong Oktobre.

Ilan umano sa mga partisipante nito ay ang mga tourism officers ng bawat bayan sa Aklan, Hotelier, Tour travel agency operators at transports operators.

Aniya, dito sila tinuruan kung pa ano ma-idedevelope ang tour packaging at product development para e-market ang Aklan sa mga turista lalo na ang isla ng Boracay.

Una namang sinabi ni Ticar na pinagtutuunan nila ng pansin ang pag-propromote ng Boracay sa ibang bansa para lalo pa itong tangkilikin.

Karamihan naman sa mga dumalo ay mula pa sa Boracay na may hawak ng malalaking tour travel agency.

Sa ngayon tiwala ang Department of Tourism (DOT) na lalo pang-uunlad ang turismo ng probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment