Pages

Thursday, October 17, 2013

Pagdating ng cruise ship MS Superstar Gemini kaninang umaga sa Boracay, naging matagumpay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang pagdating ng MS Superstar Gemini kaninang umaga sa isla ng Boracay.

Sa pagbaba ng mga turista ay sinalubong sila ng dance performance ng Ati-Atihan Tribe kasabay din ng pagsalubong ng mga taga Provincial Government ng Aklan, LGU Malay, local communities at mga taga media.

Sa loob naman ng ilang oras, nagkaroon ng pagkakataon ang mga turista at ilang crew ng barko na mag-ikot ikot sa Boracay.

Nabatid na nag-shopping ang mga ito sa D’mall de Boracay, kumain sa ibat-ibang restaurant doon at nag-island hopping.

Samantala, inilarawan naman ni Superstar Gemini Captain Jukka Silvennoinen na makabuluhan ang sandali nilang pagpunta sa Boracay bilang kauna-unahan nilang pagbisita sa bansa.

Sa pag-akyat naman ng mga opisyales ng Aklan at ilang mga Aklanon community sa cruise ship ay inikot sila sa loob ng barko at ipinakita kung gaano ito kaganda.

Nagkaroon naman ng maikling programa at nagpalitan ng plaque of appreciation ang mga opisyales ng Aklan sa pangunguna ni Governor Joeben Miraflores at Bisi-gobernador Gabrille Billie Calizo Quimpo.

Nagpasalamat naman ang mga ito sa pagdalaw ng MS Superstar Gemini sa Boracay bilang pangunahing Tourist destination sa bansa.

No comments:

Post a Comment