Pages

Friday, October 18, 2013

Mga tricycle operators at drayber sa Boracay, naturuan ng tamang paraan sa pagtapon ng nagamit na langis

Ni Christy T. Dela Torre, YES FM Boracay

Naturuan ng tamang paraan sa pagtapon ng nagamit na langis ang mga tricycle operators at drayber sa Boracay.

Ito ang kampanteng sinabi ni Boracay Land Transport Multi Purpose Cooperative o BLTMPC General Manager Ryan Tubi, kaugnay sa itinatapong langis matapos mag-change oil sa kanilang traysikel ang mga nasabing drayber.

Ayon kay Tubi, bagama’t may kaniya-kaniyang pamamaraan ang mga ito ng pagtapon ng langis matapos mag-change oil.

Nasisiguro umano niya na naitatapon naman ito ng maayos, kung saan ang mga changed oil ay nire-recyle naman, at inililibing sa lupa.

Alam din umano kasi ng mga ito na mapanganib ito sa paligid.

Samantala, ayon pa kay Tubi, wala namanng regulation ang LGU Malay ukol dito, kung kaya’t sila na rin mismo ang nagtuturo sa mga operators at drayber ng tamang pagtapon ng mga pinalitang langis.

No comments:

Post a Comment