Pages

Wednesday, August 14, 2013

Relokasyon ng Boracay Hospital, mabusising pinag-aaralan ng SB Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Mabusising pinag-aaralan ng SB Malay ang relokasyon ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital sa Boracay.

Sa session kahapon sa bayan ng Malay, tinalakay ang nasabing usapin kung saan may mga inimbitahan silang bisita mula sa Provincial Health Office na kinabibilangan ni Dr. Victor Sta. Maria provincial Health Officer at si Mrs. Zuela Calizo DOH Representative.

Ditoay  may mga ipinakita silang larawan at sketch plan ng ipapatayong bagong hospital na may sukat na 1,300 square kilometer at may taas na tatlong palapag kabilang na ang paglalagay ng elevator.

Ang nasabing hospital ay balak na ipatayo ng DOH sa May Mt. Luho base na rin sa iprinisinta sa kanila ng gobyerno.

Ayon naman kay Dr. Sta Maria ang bagong hospital ay inaasahan nilang magiging International standard dahil sa pagbubutihin nila ang kanilang gagawing serbisyo.

Dulot na rin umano ito ng mga bagong facilities, equipments at ilang pang pangunahing mga gamit sa hospital na higit na kailangan.

Aniya, maglalagay naman sila ng mga karagdagang staff para dito.

Ikinatuwan naman ng SB Malay ang ibinalitang ito ng Department of Health dahil sa unti-unti na anilang matutupad ang hiling ng mga mamayan sa isla, lalo na ng mga turistang nangangailangan ng tulong ng mga doktor.

Sa ngayon, minamadali narin ang pagproproseso nito ng LGU Malay para agad ng maupisahan kung saan mang lugar ito ipapagawa sa isla ng Boracay.

1 comment: