Pages

Wednesday, August 14, 2013

PCOS Machine, hindi gagamitin para sa barangay at SK elections --- Comelec

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Dahil umano sa kakulangan ng oras at budget ay hindi na muna gagamitin ng Comelec ang precinct count optical scan (PCOS) machine para sa darating na barangay at SK elections sa Oktobre.

Ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig, magiging manual ang kanilang gagawing eleksyon ngayon base na rin sa inilabas na kautusan ng Comelec sa Manila.

Masyado aniyang maikli ang preperasyon nila kasabay na rin ng mahirap ang pag-imprinta ng mga balota dahil sa Oktubre pa magsisimula ang filing ng candidacy ng mga tatakbong kandidato.

Dahilan din umano ang kakaunting pera lang ang allocated allotment sa mga ka-barangayan sa bansa kaya kinakailangan nilang magtipid.

Dagdag pa nito, dahil sa manual na ang eleksyon ay mas kinakailangan nilang maging strekto sa siguridad lalo na sa mga boboto.

Samantala, nakipag pulong naman si Cahilig kahapon sa PNP Malay para sa isasagawang deployment ng mga kapulisan na magbantay sa mga balota at ballot boxes sa lahat ng barangay sa bayan ng Malay.

1 comment: