Pages

Saturday, August 17, 2013

Pagdagsa ng mga basura sa Boracay, hindi dapat pabayaan ayon sa DOT

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi dapat umano pabayaan ang mga basurang dumadagsa sa isla ng Boracay ayon sa Department of Tourism.

Ito ay kaugnay sa nangyaring pagdagsa ng mga basura sa buong dalampasigan ng isla kahapon ng hapon.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, ang turismo ay isang napaka-sinsitibong industriya at ang kalinisan ay isa sa mga bahagi na dapat hindi pabayaan ang mga basura.

Dahil ang Boracay umano ay kilala para sa kanyang kalinisan at kristal na tubig gayon din ang malapulbos na buhangin nito.
Dagdag pa ni Ticar, hindi naman mula sa Boracay ang mga basurang ito dahil ito ay mula pa umano sa ibang isla at mainland Panay na dinagsa lamang dulot na malakas hanging habagat.

Ilan nga sa mga inanod na basura ay ang mga sanga ng punong kahoy at kawayan bunga ng niyog pati na ang mga plastik na bagay.

Una ng ikinadismaya ng DOT ang mga basurang dumadagsa na plastik dahil hindi anila itp maganda tingnan lalo na sa mata ng mga turista.

Pero ayon kay Ticar, may mga nilagay naman ang lokal na pamahalaan ng Malay para kolektahin ang mga basura sa dalampasigan.

Samantala, kasabay ng pagdagsa ng mga basura kahapon ay kasabay din ang buhos ng napakaraming turista sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment