Pages

Monday, August 12, 2013

Mga Miyembro ng Boracay Ati Community, ipinagdiwang ang International Indigenous People’s Day

Ni Shelah Casiano, Easy Rock Boracay

Nakiisa ang Boracay Ati Community sa International Day of the World's Indigenous People na ipinagdiwang noong Biyernes, Agosto 9.

Ayon kay Program Management Team Coordinator Evangeline Tambuon, nagkaroon ng palatuntunan ang Ati Community sa Sitio Lugutan, na sinundan naman ng isang beach clean-up.

Ang International Day of the World's Indigenous People ay ideklara sa General Assembly of the United Nations noong December 1994 at ipinagdiriwang tuwing ikasiyam ng Agosto.

Layunin nitong mapangalagaan ang karapatan ng mga katutubo sa buong mundo.

Samantala, itinanggi ni Tambuon ang tungkol sa isang grupo ng mga katutubong namamalimos sa beach front ng Boracay.

Wala umano gumagawa nito sa kanilang grupo, lalo pa’t ito’y ipinaintindi nila sa kanilang mga anak.

Hindi rin umano dapat nilalahat ng mga tao ang salitang “Ati” dahil karamihan sa kanila ay sa nagtatrabaho sa mga resort at establisemyento sa isla.

Bagama’t aminado si Tambuon na binibigyang pansin din ito ng LGU Malay, nagtataka rin umano ito kung bakit mawawala at bumabalik pa rin ang mga nasabing grupo ng mga namamalimos.

Magkaganoon pa man, aniya, ay nagpapatuloy pa rin ang mga programa para sa mga katutubo katulad ng pabahay, edukasyon, at empowerment.| translated by Bert Dalida, YES FM Boracay

No comments:

Post a Comment