Pages

Tuesday, July 02, 2013

Kooperasyon ng komunidad kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month, hiniling ng Boracay Action Group

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Kooperasyon ng komunidad para sa ligtas na isla.

Ito ang hiniling ng mga taga Boracay Action Group kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month.

Ayon kay BAG o Boracay Action Group Adviser/Consultant Leonard Tirol, hindi lamang para sa mga turista kundi maging sa mga lokal na residente ng Boracay ang kanilang paghahanda para sa anumang sakuna sa isla, lalo pa’t panahon ngayon ng habagat.

Kahapon ng umaga kasi ay nagparada sa mainroad ng Boracay ang mga taga BAG upang ipaalam sa publiko na sila ay nakahanda kaugnay sa nasabing pagdiriwang.

Kaugnay nito, maging ang mga establisemyento sa beach front ng Boracay ay hinimok din ni Tirol na makiisa sa kanilang adhikain lalo na sa mga rescue operations.

Kayang-kaya lang umano sakaling may mga sakuna na dala ng habagat basta’t ipaalam lang sa kanila.

Ayon pa kay Tirol, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na ang BAG ay nakiisa para sa National Disaster Consciousness Month.

Samantala, nabatid na maliban pa sa ibang volunteers’ group, ang BAG na mahigit tatlong taon na sa isla ay binubuo din ng mga taga Boracay PNP, Coast Guard, Life Guard, Bureau of Fire-Boracay, Kabayan at Kabalikat-Civicom.

Kaya naman kampanti umano ito na malalampasan ng Boracay ang anumang pagsubok at disaster na maaaring kaharapin ng isla.

No comments:

Post a Comment