Pages

Tuesday, July 02, 2013

Ilang residente ng Boracay, sang-ayon sa pagbabawal ng paggamit ng mga plastic, sakaling ipatupad din ng LGU Malay

Ni Mark Anthony Pajarillo, YES FM Boracay

“Okay lang sa amin at mas maganda nga ‘yun eh!”

Ito ang naging pahayag ng ilan sa mga lokal na residente sa isla ng Boracay, sakaling ipatupad din ng LGU Malay ang katulad na iminungkahing ordinansa sa bayan ng Kalibo.

Ang ordinansang ito ay kaugnay sa pagbabawal sa paggamit ng mga plastik bag at styrofoam bilang check-out bag o pambalot sa mga pagkain dito sa isla ng Boracay.

Hindi maikakaila sa madla na itong mga supot ng plastik at styrofoam ang isa sa mga dahilan kung bakit bumabaha ang ilang bahagi ng Boracay.

Ito kasi ang bumabara sa mga drainage na siya sanang daluyan ng mga baha.

Ayon sa mga lokal na residente na nakapanayam ng himpilang ito, malaking bagay na ipagbawal ang paggamit ng mga plastik dahil malaki ang maibabawas nito sa bilang ng mga basura na syang numero uno nating problema dito sa isla ng Boracay.

Ngunit sa kanilang pagtatantiya malamang kung ipatutupad na agad-agad ang kautusang ito.

Hindi pa umano handa ang ibang lokal na residente dito sa isla, sapagka’t nasanay na nga ang ilan sa paggamit ng mga plastik at styrofoam at mahihirapan ang ilan sa pag-a-adjust.

Ngunit kung uumpisahan na umano natin ng mas maaga, ito’y malaking bagay din naman sa para sa pagbibigay lunas sa suliranin sa basura sa isla.

Pahayag pa nila na sa una lang tayo mahihirapan ngunit kung tayo ay magtutulungan para sa iisang layunin na mapanatiling malinis ang islang ito.

No comments:

Post a Comment