Pages

Wednesday, June 19, 2013

Philippine Coast Guard Boracay, muling nagpaalala sa ipinapatupad na “one-entry-one-exit” policy ng pamahalaang probinsyal

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Atensyon sa mga bangkang kung saan-saang boat station lang ng Boracay dumadaong:

Muling nagpaalala ngayon ang Philippine Coast Guard kaugnay sa ipinapatupad na “one-entry-one-exit” policy ng pamahalaang probinsya.

Sa panayam ng himpilang ito kay PO1st Condrito Alvarez ng Philippine Coast Guard Boracay Detachment, sinabi nito na inatasan na sila ni mismong Aklan Governor Carlito Marquez na i-monitor at ipatupad ang nasabing polisiya.

Nang magpatawag kasi ng special meeting si Marquez sa mga taga-Task Force Bantay Boracay nitong nagdaang linggo.

Nabatid na inilatag ng mga taga Philippine Coast Guard ang kanilang update report kaugnay sa umano’y illegal loading ng mga bangka sa station 1 at station 3 na bumibiyahe pa-Romblon.

Sinabi pa ni Alvarez na ang nasabing aktibidad ay klarong paglabag sa ipinapatupad na polisiya ng pamahalaang probinsya.

Sakali naman umanong kailangan talagang dumaong ang isang bangka o maging ang isang barge sa hindi regular na daungan katulad ng Caticlan at Cagban Jetty Port.

Iginiit din ni Alvarez na kailangan ding kumuha ng special permit ang mga ito sa munisipyo, maliban pa sa special permit mula sa pamahalaang probinsya.

No comments:

Post a Comment