Pages

Wednesday, June 19, 2013

Jetty Port Administrator Maquirang, pinadalhan ng sulat ang Marina --- RE: Oyster Ferry

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Pinadlhan na ng sulat ni Caticlan Administrator Nieven Maquirang ang pamunuan ng Marina kaugnay sa inirereklamong Oyster Ferry na biyahing Caticlan via Cagban port.

Ito’y kinumpirma ni SB Malay Dante Pagsuguiron kamakailan lang sa isinagawang session sa bayan ng Malay.

May kaugnayan pa rin ito sa napabalitang ilegal na pagtatapon ng nasabing ferry ng kanilang sea waste direkta sa dagat sa Cagban Jetty Port.

Ayon naman kay Caticlan Philippine Coast Guard PO1st Rokie Borja, nagtungo na umano ang Oyster ferry sa Navotas City para magsagawa ng pagda-“dry dock” na kanila naman umanong ginagawa taun-taon para maayos at palitan ang mga sira sa barko, gayon din upang ayusin ang tapunan ng mga dumi ng mga pasahero para hindi direktang tumapon sa karagatan.

Aniya, babalik din ang nasabing ferry sa susunod na buwan ng Hulyo para magpatuloy sa kanilang operasyon.

Matatandaang ang nasabing fast craft ay inireklamo ng ilang mga bangkero sa Cagaban Jetty Port kung saan nakuhaan nila ito ng litrato na nagpapatunay na nagtatapon sila ng kanilang sea waste sa karagatan.

No comments:

Post a Comment