Pages

Monday, June 17, 2013

Mga hindi lisensyadong tour guide sa isla ng Boracay, dumarami ayon sa DOT 6

Ni Jay-ar Arante at Malbert Dalida, YES FM Boracay

Dumarami na ngayon ang mga hindi lisinsyadong mga tour guide sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na press conference na ipinatawag mismo ng Department of Tourism, sinabi ni DOT Region 6 Director Atty. Helen Catalbas na nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga lehitimong tour guide tungkol sa mga hindi lisinsyadong tour guide na kumakalat sa Boracay.

Pinipirahan lang umano ng mga ito ang mga turista, kung saan pinapangakuang iga-guide, hinihingan ng advance at hindi na nagpapakita pagkatapos na makuha ang bayad sa mga ito.

Ipinagtataka din umano nito kung bakit tila hinahayaan lamang ito ng LGU Malay, kahit wala namang nakukuha sa mga ito ang munisipyo.

Dagdag pa na hindi naman lahat ng mga nasabing tour guide ay residenti ng isla at probinsya ng Aklan kundi galing pa sa ibang lugar.

Kaya naman iginiit pa ni Catalbas na dapat magkaroon ng accreditation ang mga ito mula sa LGU Malay upang maging rehistradong mga tour guide.

Kaugnay nito, magbibigay umano ang LGU Malay at ang Department of Tourism ng examination program para sa mga nasabing tour guide sa Boracay.

No comments:

Post a Comment