Pages

Monday, June 17, 2013

DOT, hihingi ng update report sa drainage project ng TIEZA

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Hihingi ng update report sa drainage project ng TIEZA ang Department of Tourism.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni DOT 6 Regional Director Helen Catalbas na susulatan niya ang kanilang DOT Secretary, kaugnay sa estado ng drainage system sa Boracay.

Ang pagbibigay umano ng monthly progress report tungkol dito ay order o utos ng DOT kay TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid.

Maliban kasi sa iba pang usapin sa press con kahapon ay hindi rin nakaligtas ang tungkol sa estado ng nasabing proyekto.

Kaya naman maging si Catalbas ay aminado kahapon na ang hindi natapos na drainage project ng TIEZA ay isa sa mga itinuturong dahilan ng pagbaha sa Boracay.

Hindi rin lingid sa publiko sa Boracay na barado nga ang drainage na ito kung kaya’t wala ring madadaanan ang tubig sa tuwing umuulan.

Kaugnay nito, nangako naman kahapon sa harap ng media si Catalbas na ibibigay nila ang update tungkol sa nasabing proyekto.

Nabatid na ang TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ay isa lamang sa mga tinatawag na attached agency ng DOT.

No comments:

Post a Comment