Pages

Thursday, June 13, 2013

Ilang grupo ng mga motorista sa Boracay, humarurot sa pagdiriwang ng Independence Day

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Tatlong taon na ang nakalilipas nang muling humarurot kahapon ng hapon ang ilang grupo ng mga motorista sa Boracay sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day.

Nagkasundong magkita-kita sa kanilang assembly area sa Ati Village sa Tulubhan Manoc-manoc, ang may humigit-kumulang 100 miyembro ng PhilBikers Neutralizers at Islanders Boracay.

Alas-4:00 kahapon nang simulan nilang ikutin ang Boracay, mula sa Manoc-manoc, Balabag at Yapak sa pamamagitan ng isang motorcade.

Ayon kay Islanders Boracay Board Member Alan Palma Sr., layunin umano ng kanilang adbokasiya na ipakita, ibahagi at ipaalala sa publiko ang pagiging responsabling mga motorista sa isla.

Samantala, isang boodle fight naman ang inihanda ng mga nasabing grupo, bilang pagtatapos ng kanilang aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan.

No comments:

Post a Comment