Pages

Tuesday, May 21, 2013

Programa ng PNRC Boracay, naging makabuluhan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Ihinayag ngayon ni Philippine National Red Cross Administrator Boracay Chapter Marlo Schoenenberger na naging makabuluhan ang isinagawang programa ng PNRC chapter sa isla ng Boracay kung saan nagkaroon sila ng ibat-ibang aktibidad gaya na lamang ng lifeguard competition na hinati sa  junior and senior division.

Dinaluhan din ito ng iba’t-ibang Red Cross teams mula sa buong Pilipinas kasama na ang Australian Red Cross.

Nabatid mula dito na sa ginawang aktibad, nanalong over all champion ang Davao at nakuha naman ng Malay Chapter ang 2nd place.

Nagkaroon din umano sila ng lantern parade noong Biyernes, ika-18 ng Mayo, na nagsimula mula sa Balabag Plaza patungo sa isang resort sa station 2.

Ang nasabing event ay pangalawang taon na nilang ginawa sa isla ng Boracay.

Ipinagmalaki din ni Schoenenberger na mas lalo pang dumami ang mga kalahok na sumali ngayong taon.

Ang nasabing event ng PNRC-Boracay ay isa sa mga bahagi ng mga programa ng Boracay Day.

No comments:

Post a Comment