Pages

Tuesday, May 21, 2013

Pagbawas ng bilang ng mga mga bakasyunistang Taiwanese sa Boracay, ramdam na

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Dahil sa lalo pang umiigting ang tensyon sa pagitan ng PIlipinas at bansang Taiwan, nararamdaman na umano ngayon ang pagbawas ng mga turistang Taiwanese na pumupunta at nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Ayon kay Department of Tourism officer-in-charge Tim Ticar, nabawasan ang mga turistang Taiwanese dahil sa marami umanong mga nakanselang flights gayon din sa mga hotels na tutuluyan sana ng mga ito.

Pero hindi naman aniya magtatagal ang problemang ito at sa mga susunod na buwan, aasahang babalik rin sa dati ang bilang ng mga ito partikular na ang pagpunta nila sa isla.

Matatandaang nagkaroon din noon ng hidwaan ang bansa at ang China kung saan ipinagbawal din sa mga Chinese ang pagpunta dito ngunit agad din naman itong naayos.

Sa kasalukuyan, focus na muna sila sa pag-po-promote ng isla, kung saan nabatid na may mga pupunta umanong labing-apat na grupo ng mga medyang Korean national sa bansa at kabilang sa mga pupuntahan nila ay ang Boracay.

Samantala, nanawagan naman ito sa publiko na makitungo parin ng maayos sa mga Taiwanese na bisita, naniniwala kasi si Ticar na hindi naman umano lahat ng Pinoy ay masama ang loob.

Dagdag pa nito, bagama’t nabawasan ang bilang ng mga Taiwanese ngunit patuloy pa rin umanong dumadami ang mga turistang pumupunta sa isla dahil siksikan parin ang mga tao sa beach, lalo na at punuan din umano ang mga hotels sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment