Pages

Thursday, May 16, 2013

PPCRV Boracay, may panawagan sa mga bagong halal na politiko

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Inihayag kahapon ng hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na naging mapayapa ang nangyaring midterm election sa isla ng Boracay.

Ganito din ang naging pahayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ayon sa PPCRV, maging sila ay tiwalang naging maayos ang isinagawang halalan sa isla.

Ganoon pa man, napansin umano nila na bagama’t walang naging problema sa botohan, ngunit may ilan pa rin umanong mga pasaway na taga suporta ng mga kandidato ang nagbibigay ng mga sample ballot at mismong sa lugar pa na pinagdarausan ng eleksyon.

Bukod dito, may ilan din umanong nakitaan ng “vote buying”.

Dapat umano may distansya ang mga ito sa mismong polling places dahil ito anila ay mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec.

Ngunit kung may vote buying, mayroon din naman umanong naging tapat at mga tumanggi sa iniaalok na bayad sa boto mula sa ilang mga supporters ng mga kandidato.

Sinikap din umano ng PPCRV na gampanan ang kanilang trabaho para sa maayos na halalan, kaya’t naging matagumpay itong nairaos.

Samantala, panawagan naman nito sa mga bagong halal na politiko na magampanan nilang mabuti ang kanilang trabaho para sa ikakabuti ng mamayan lalo na sa isla ng Boracay at buong bayan ng Malay.

Ang PPCRV ay isang national lay movement ng simbahan na itinatag noong 1991.

No comments:

Post a Comment